Noong Enero 1, 2022, binago ng Department of Health Care Services (DHCS) ang benepisyo sa parmasya para sa mga miyembro ng Medi-Cal. Ang mga inireresetang gamot ay sasakupin ng isang bagong programa na tinatawag na Medi-Cal Rx. Hindi nito binabago ang pagiging karapat-dapat o mga benepisyo ng Medi-Cal ng mga miyembro.
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Medi-Cal Rx, mangyaring tawagan ang Medi-Cal Rx Call Center Line sa 800-977-2273 (TTY: Dial 711). Maaari ka ring makakuha ng karagdagang impormasyon sa Pahina ng DHCS Medi-Cal Rx.